Ang Troso
Ang Troso 27 June 2007 Ako ay isang troso, mula sa kaitaasan ng bundok ng Sierra Madre at Cordillera, ako ay naglalakbay sa kahabaan ng Ilog Cagayan pababa hangang madaanan ko ang mga iba’t ibang probinsya ng Isabela, Apayao, Cagayan, at iba pang pareing binabagtas at binabaybay ng pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Ang aking paglalakbay ay kakitaan ng magkakaibang bilis at bagal ng pag-usad dulot narin ng ibat ibang bilis ng agos na syang tumatangay sa akin pababa sa bukana ng ilog. Gusto ko mang madaliin ang paglakbay, hindi ko magawa sapagkat ang bilis ng aking pag usad ay nakaayon sa bilis ng tubig na syang kumakandong sa akin. May mga pagkakataon pa na ako ay nahihinto ng matagal dahil sa mga balakid na kahoy, dumi at maliliit na isla na syang humaharang sa pagagos ng tubig na tumatangay sa akin. Marubdob ang aking hangarin na makita ang karagatan. Ganun paman, marami rin akong masasayang karanasan sa aking paglakbay. Una na rito ang kagandahan ng ibat ibang lugar na aking...
Comments
Post a Comment
Please feel free to leave your comments, suggestions, and insights here.