Ang Troso
Ang Troso
27 June 2007
Ako ay isang troso, mula sa kaitaasan ng bundok ng Sierra Madre
at Cordillera, ako ay naglalakbay sa kahabaan ng Ilog Cagayan pababa hangang
madaanan ko ang mga iba’t ibang probinsya ng Isabela, Apayao, Cagayan, at iba
pang pareing binabagtas at binabaybay ng pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Ang
aking paglalakbay ay kakitaan ng magkakaibang bilis at bagal ng pag-usad dulot
narin ng ibat ibang bilis ng agos na syang tumatangay sa akin pababa sa bukana
ng ilog. Gusto ko mang madaliin ang paglakbay, hindi ko magawa sapagkat ang
bilis ng aking pag usad ay nakaayon sa bilis ng tubig na syang kumakandong sa
akin. May mga pagkakataon pa na ako ay nahihinto ng matagal dahil sa mga
balakid na kahoy, dumi at maliliit na isla na syang humaharang sa pagagos ng
tubig na tumatangay sa akin. Marubdob ang aking hangarin na makita ang
karagatan.
Ganun paman, marami rin akong masasayang karanasan sa aking
paglakbay. Una na rito ang kagandahan ng ibat ibang lugar na aking nadaanan.
Ang malilinis na tubig na aking nilalanguyan, ang mga kakahuyan at halamanan na
syang makikita sa panpang ng ilog. Ang mga ibon, isda at ibat ibang uri ng
hayop na may ibat ibang kulay na syang dumadapo sa aking katawan ay nakakaaliw
kasama. Ang ibat ibang lugar ay may mga ibat ibang uri ng tao, ibat ibang
salita at pag uugali ang taglay. Ngunit isa lang ang aking inaasam sa
paglalakbay na ito, ang makita ang aking patutunguhan. Hanggang saan ba ako
tatangayin ng katubigan na syang bumabalot sa akin? Kailan ako tuluyang
papasukin ng tubig at kung magkakaganon ay tuluyan na akong malunod?
Magpapatanagy na lamang ba ako sa tubig, o may isang karpinterong matapang
upang iahon ako sa aking pagkakatangay sa kalawakan at kahabaan ng paglalakbay?
Kailan ko maaabot ang dagat na ang mga pintua’y nakaabang sa akin?
Ang aking paglalakbay ay isang paglalakbay sa pagtuklas ng karunungan. Ako ay isang pilosopo na kung saan ang pagtuklas ng karunugang ay nakaugat na sa aking kaibuturan. Ang pagtuklas nga karunungan ay bahagi na ng aking buhay. At ang pagtuklas ng karunungang ito’y syang dahilan ng aking paglalakbay at pagkatangay ng agos – ang agos ng buhay. Ayokong magpaagos, ayokong magpatangay ngunit malakas ang pwersa ng kalikasan na humuhubog sa akin. Ang kalikasan, na mula ng isilang ang aking kanunununuan ay nandyan na. Ako ba ay walang hanggang magpapatangay? Sa aking pagkakatangay ba ako ay hahantong sa dagat – ang dagat ng karunugan, maalat, makahulugan, malaman at nagbibigay lasa.

Ang aking buhay ba ay hanggang tangay na lamang? O ang buhay ay
hahantong lamang sa kawalang hanggan. Ang buhay na ito ay dagat ng
magpakailanman. May asin ba ito? May kahulugan ba ito? Sabi nga ni Sokratis,
“An unexamined life is not worth living.” Oo aminado ako, na ako ay nagninilay,
nagiisip. Kung ilang ginto’t bronse na ang nasabit sa aking leeg, kung ilang
kamay na ang pumalakpak sa akin. Ngunit ako ay natatangay parin ng agos. Ako ay
nagninilay parin. At ang pagninilay na ito ang syang nagbibigay ng misteryo sa
akin.
Ang mga ginto, ang mga pilak aanhin ko? Ang mga kamay, gasgas,
kalyo, alikabok, libag at pawis ang nilalaman. At ang aking kamay ay isa lamang
hangin. Ang mga kamay na iyon ay nagiilusyon na nakahawak sa matatag na
pundasyong ginto, ngunit sa katotohanan pala ay isang hangin. Napakaraming
kamay ang ilusyunado sa buhay. Akala nila sila ay nakasandal sa isang batong
matibay ang pundasyon, ang gintong kaibuturan. Subalit hindi nila alam na ang
mga kamay na iyon ay kasama kong naglalakbay sa kahabaan ng ilog patungo sa
dagat ng magpakailanman.
Ako na isang troso, ako na naitatangay sa agos ng buhay,
umaasang masilayan ang dagat ng kawalang hanggang karunungan.
Comments
Post a Comment
Please feel free to leave your comments, suggestions, and insights here.